pangalawang beses na itong nagamit ko ang ngalan ng ateneo de manila. sorry talaga, no offense meant, ito lang talaga napag-tripan kong isulat ngayon.
x: alam mo, dapat c [ako] sa ateneo mag-aral
sis: bakit naman b?
x: kasi ikaw sa UP, c [mid sis ko] sa la salle, kaya dapat c [ako] sa ateneo para yung three major colleges ng pinas napasukan ninyong tatlong magkakapatid! patay!
dati, iisa ang aking naiisip kapag pinag-usapan ang buhay kolehiyo-- magiging peyupster ako. hindi ko matanggap na sa ibang unibersidad ako mapunta. pano ba naman, buong buhay ko'y napalibutan ako ng mga UP graduates/students, gaya ng aking ina, aking kapatid, aking mga pamily pwendstrrs, aking mga ninong at ninang, mga tito at tita, etc. grade school pa lang ako ay lagi na kong dumadayo ng UP (halimbawa, kung susunduin si ate at nanggaling muna ng paaralan ko noon). kaya naman pag namemention ang college sa usapan, laging campus ng UP Diliman ang pumapasok sa isip ko na setting. ngunit, hindi lang yan ang dahilan. dalawang guro ko ay nanggaling sa UP, at sila na ang pinakadesenteng nakasundo kong mga nilalang sa mundong ito, kumbaga, maliban na lang siguro sa dalawa kong ate, sila lang talaga ang pareho ng wavelength ko. dalawang taon ko silang kasama, pero parang isang saglit lang. sa pagkakataong iyon, naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa mundong ito. nalaman kong may katulad ko rin palang gumagala-gala lamang dito sa quezon city. nalaman ko (o inakala ko) na ang mga taong ito'y nag-aaral sa UP.
ngayon, freshie ako dun, pero mga tatlong linggo pa lang. isa pa lamang ang kilala kong ka-wavelength ko dito, at ni hindi ko siya nakilala mismo sa diliman. oo, maayos na ang pakiramdam ko ngayon kahit paano, ngunit matagal-tagal rin akong nabwisit at nabanas sa mga blockmates/classmates ko (ngayon balik na ko sa dati; wala na akong pakialam). alam ko, malamang ay nandyan lang sila, nagtatago sa isang sulok, mga katulad kong nanonood ng star trek, mas mahilig manood kesa maglaro ng basketball, adik sa video games, medyo may pagka-L337ista (sa language lang naman, pero hindi sa ugali... pwamis! ;p), pinagtatawanan ang mga wala naman talagang kakwenta-kwentang bagay. natanggap ko na yan at napili ko na maghintay na lamang at tingnan kung saan ako tatangayin ng tadhana.
ngunit, kailan lang ay dumaan na sa isip ko ito: paano kaya kung nag-ateneo na lang ako? hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko nun ay mas makakasundo ko ang mga tao dun. umabot na sa punto na sising-sisi akong binenta yung cap ko dahil sa peyups nga naman ay hindi ko na kakailanganin ito, para naman kahit paano ay may pagkakataon pa akong lumipat sa aming kapitbahay. ngayon, kahit di ko na pinagninilay-nilayan ang ganitong klaseng bagay, naisip ko sa aking sarili, ano na lang kaya ang mangyayari sa akin pag doon ako napadpad? tingnan nga natin ang pros and cons...
pros? hmm... ok, heto sila. mas madali ata makipag-socialize dun, dahil bago pa magsimula ang klase ay may orientation thingy na wala kayong ibang choice kundi makilala ang mga magiging iskulmeyt ninyo. sabi ng prend ko, mas madali na rin daw ang pag-aaral, kasi wala na daw xerox chenes; very straightforward daw, parang hayskul din. ibig-sabihin, di ko na rin poproblemahin ang pre-enlistment at kung anu-ano pa (sa totoo lang, hindi ako sigurado dyan...). matutupad nga ang sinabi ni manong x; kaming tatlong magkakapatid ay mag-aaral sa tatlong pinaka-prominenteng unibersidad sa pilipinas. isa pa na medyo may kinalaman dito, ang ate kong la sallian ay hindi na maiilang, dahil mahirap nga naman para sa kanyang siya lang sa aming magkakapatid ang hindi nakapasa sa peyups. ang basketball team namin ay hindi bano at/o talunan (sige na skulmeyts, tanggapin na natin...) malamang mas madali makatagpo ng mga trekkie dun, dahil medyo hindi ito kilala ng karamihan ng mga tao. wala akong pagpipilahan na enrollment o ano man, at least, hindi pa naman ako nakakarinig ng atenistang umaangal sa mga pila; sa ngayon, puro peyupster pa lang naman. iskulmeyt ko ang aking prendly prend na nag-3rd sa regionals at yung classmate ko dati. katabi ko lang ang miriam; kelangan ko lang maghanap ng butas sa bakod... 'nap sed. hindi na ako tatanungin ng mga dati kong kaklase na sa ngayo'y ustetician/mapuan/plmer/feuan/la sallian kung nakikita ko ba si hero angeles. best of all, i can talk in straight english and people won't look at me like i warped in from another dimension.
hayan, cons naman tayo. wala akong kotse, kasi yung perang nakamit sa pagbenta ng cap ko ay gagamitin sa pagbili ng brand new car (pero una tuturuan muna ako mag drive... kahit ekspert na ko sa gran turismo at gta ay iba pa rin daw sa totoong buhay eh... O_o). magkakaroon ako ng pasok pag miyerkules, kaya hindi ako pwedeng dumaan ng sm north, dps o uste pag wala akong magawa sa buhay. hindi ko pwedeng maisuot muli ang mga nagamit ko nang mga damit, kaya ang salaping sinasayang ko lamang sa mga beedyo geyms ng ps2 at geymkyub at mga odyo cds gaya ng odyosleyb at incubus ay siya namang sasayangin ko sa mga bagong kasuotan, at sa lahat ng ayokong pagka-abalahan sa mundong ito, pinaka-ayaw kong pinoproblema ang susuotin ko datapwa't ito'y napapaiba sa aking pilosopiya sa buhay na "tang *na dude wala akong pakialam." according to my sister and my tita, ang mga peyupster daw ay mas handa sa isang real-life situation, whereas ang atenean ay mas mabisa sa isang sistema (oo, depende yan sa tao, pero average lang naman ako eh; saka, kaya ito con, mas prefer ko na handa ako sa anumang sitwasyon sa real-life...). madalang ko nang makikita ang aking prendly prend na nag-1st sa regionals. pakiramdam ko medyo dyahe na ko sumali sa peyups.com nun, kahit maganda sanang sagisag-panulat ang "atenistang_soloista" (kung meron na nun ay dadagdagan ko na lamang ng "_x" sa dulo, hypothetically speaking of course ;p). aaway-awayin na ako niyan ng aking ate sa la salle at ng kanyang boyfriend na la sallian rin at ng aming fanatically loyal la sallian family friend. hindi ko na pwedeng pagtawanan ang joke na "he studies in ateneo... oh, wait, sorry; THE Arrneo..." mas onti na akong makikitang dpsers dun, at ang mga susunod galing uplb at up baguio ay hindi ko na rin makikita pang muli.
yun lang naman. bow. kung napasa ko ang parehong university na iyan, sa tingin ko'y UP pa rin ang pipiliin ko. subalit, kung sa ateneo rin naman ako nag-aral, ok lang rin, pero maghahanap at maghahanap rin ako ng mga dahilan para umangal. ganyan ako eh, kahit saan man ako, yan ang hobby ko, hindi na yan mag-iiba. pero sa tingin ko'y masasanay rin ako kahit saan ako mapadpad...
what have i learned? stoicism r0x0rz.
completely wrong thought of the day: last summer, i visited our relatives in america. i had inadvertedly brought with me six diskettes that were exposed to x-ray scans in manila, taipei, san francisco, oklahoma, san diego, and sacramento (twice in certain locations; that makes 6-10 x-ray scans in the span of one month). do you know what that means? that means i now possibly carry with me six copies (that's right, six!) of the most dangerous computer virus ever known to man! my plan is simple: i label the diskettes' stickers with the words "xxx porn" and slip it into one of my male friends' bag. the curious, hormonally-challenged teenager in him cannot resist, so he opens the diskette on a pc hooked on the 'net. not five seconds after he clicks "run" and types "a:" then presses that enter key, BOOM! say goodbye to your hard drive, sucka! then his skin will break out and he shall acquire a severe case of acne. then his girlfriend will leave him. then he loses the remote control, and he'll get a bad itch on a spot he can't quite reach and all the walls in his house will turn smooth, and then his house will burn to the ground, and he'll fail all his college admissions tests and he'll end up a student of dcti, then he wakes up seven years later to discover he's an obese nerd with thick glasses and a pocket protector and no friends and no money who plays video games and dungeons and dragons all day and watches tapes of old star trek deep space nine re-runs at night... all because of my computer virus, which shall be transmitted all over friendster, pinoyster, yahoo, hotmail and all that other crap thanks to the pc's being hooked to the net!!! BWAHAHAHAHAAAAA!!!!! fear me! wait a minute, this pc's on the net right now! hahahahaha! my plan to completely annoy all the people of the world begins! go! diskette! RUN! wait a second... not formatted? wha?! WHERE'S MY VIRUS??!? aw hell...