July 26, 2004. It is official--I am a peyupster.
Babala: Ang post na ito ay mahaba. Kung gusto niyong magpahinga tumigil kayo dun sa ibaba, dun sa linya na "hindi lang yan!" Kasi grabeh, it's so haba na, nakakailang! Maawa naman kayo sa inyong mga mata, at dito nagtatapos ang aking semi-kanta... Err, i'm in a trippy mood, up to no good, livin' gangsta in the hood... ARGH! Must... stop... INSANITY!
Huwebes pa lang ay in-announce na ng prof namin na wala kaming klase ng Soc Sci 2 sa Monday. Pagkatapos ng aming klase sa Math 17 kahapon ay maghahanap na lang ako ng tatambayan ng tatlong oras. Dapat kasama ko ang aking former schoolmate sa DPS, na ngayo'y nagte-take up ng Journalism, ngunit required silang manood ng SONA. Inimbayt niya pa nga ako sumama eh, pero ayoko, nakakatamad. (pabiro kung sinabi, "Pag-iisipan ko, pero kung natuloy tayo, daan tayong DPS at kumuha ka na ng yearbook mo!") Nagpasama na lang ako sa blockmate at former DPS classmate kong si Rovic sa OUR, upang kunin ang aking ID. Oo, ang ID ko nga na kay tagal ko nang hinihintay. Bwiset kasing schedule slip yan, nawala ko ata. Hindi ko naman kasi alam na importante yun eh. Kung sa bagay, yang Form 5 nga akala ko resibo lang at muntikan ko nang itapon eh... Nyahahaha...
Pinakita ko kay manong guard ang aking Form 5 at inabot niya sakin ang pinaka-hihintay kong bagay sa ngayon bilang isang peyupster: ang aking ID. Huwaw! Desente ang hitsura ko! Sabi nga ni Rovic bagay daw yung suot ko sa background na red and white. Hasteeg! Ngayon magagawa ko na ang mga bagay na nawawala sa aking buhay sa peyups. Makakapasok na rin ako ng Main Libe! Makaka-avail na rin ako ng student discount na bente-singko sentimos sa ikot at toki! Hindi na Form 5 ang gagamitin ko para makapasok ng Math Building!
Pero, pagkakuha ko ng aking ID, napansin ko na wala pa yung sticker na 1st sem AY 2004-2005. Tinanong ko ang aking kasamahan kung paano kumukuha nito at sinabi niyang pupunta pa daw kami sa CS Libe para sa kadahilanang ito. Matagal pa naman ako maghihintay dito eh, at gusto ko na ring kumpletuhin ang aking peyupster w/ ID experience (more on that later), kaya sige, go lang. Pagkalagay ng sticker sa ID ko, ni-request ko kay Rovic na i-tour ako sa Main Libe. Ipinakita niya sakin ang mga PChan, ang mga Soc Sci sections, ang section ng CAL, foreign languages, at ang tunay na Oblation (daw, pero parang may naaalala akong nagsabi sa akin na wala na ang orig). Pagkatapos noon, umuwi na si Rovic habang ako naman ay naglakad na patungong sakayan ng dyip na patungong Pantranco...
...at hindi lang yan!
Habang naglalakad ako dun, nakita ko si Leisa, ang aming Circulation Manager sa Blue View na siyang Third Year na ngayon sa DPS. Circulation Manager meaning utus-utusan; formality na lang yung title. Siya yung tao na sinisigawan namin mula sa aming headquarters (which is on the fourth floor) habang siya'y nasa turf pa lamang (which is on the first floor) kasi laging nale-late sa mga meeting...
~~~~~Flashback Sequence~~~~~
"Hoy Leisa bili mo kami ng Coke!"
"Ha? Ano?!"
"Coke! Ng COKE! Saka isang mango juice! Si Jaykie daw Lemonade!"
*raises her hands to heaven O_o*
*itsa ng isang daan*
~~~~~End Flashback~~~~~
Anyway, si Leisa nga iyon.
"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Naghahanap ako ng trainer sa Sabayang Bigkas namin eh," sagot naman niya.
"Ows? Saan?"
Tinuro niya ang CAL.
"A, gusto mo samahan kita? Wala naman akong ginagawa ngayon eh... Ayoko pa umuwi."
"Sige ba! Sigurado ka ba wala ka nang ginagawa?"
"Oo naman! SONA eh!"
Pumasok kami sa CAL at hinanap ang nakausap ni Leisa noong Sabado. Aba, mahirap pala ito! Andami palang grupo sa DPS na naghanap ng trainer sa UP! Akalain mo nga naman, talagang pag produktong peyups oo... Sabi na lang nung ale ay susubukan daw nila, pero hindi wala silang maipapangako. Sinabi na rin niyang subukan daw namin sa Theater Arts maghanap. Kaya yun, ok, let's go to theater arts! Inakyat namin ang hagdan at pumasok kami sa isang office. Nagtanong-tanong si Leisa tungkol sa trainer, at ang mamang napagtanungan niya ay sumagot ng...
"Why are you talking to me?! Can't you see I'm busy??!?" *turo sa mama sa other side ng room*
Well excuuuse me. I am so sorry to interrupt your porn surfing session. Ah, I see you are subscribing to sexxxmail! I, for one, do not see the value in such things, but I suppose sad, middle-aged government workers with enlarging prostates can milk more use out of it than I ever could. After all, cheap hookers from Quezon Avenue won't even touch you with a ten foot pole if you paid them a hundred thousand bucks.
Ok, I'm blowing this outta proportion. He was checking his e-mail, all right? Yeah, like that provides any justification for his snapping at us innocent little inquirers. Besides, I never knew logging on to Yahoo! was considered "work" by our government.
Anyway, naka-usap ni Leisa ng matino-tino ang isang guy dun sa room. Maya-maya, nakatanggap si Leisa ng text galing sa aming common friend, si Tin. Si Tin ay aking kinakapatid, at nalaman ko na lang bigla na best friend niya pala si Leisa sa DPS (lumipat na kasi si Tin sa UPIS, ang tunay na Diliman Preparatory School). Hinintay namin si Tin sa sunken at kung anu-ano ang napag-usapan: college choices (niya malamang), UAAP (fans rin siya ng ADMU... PH34R TEH L337 34GL3S LOLOLOLOL!!!!! L4RRY F0N4CI3R PWNS J00!), ang kasiyahan ng pagiging non-star, etc. Ilang sandali makalipas ay may nag-alok sa amin ng dried mangoes, tamang-tama ang timing pagkatapos lang ikuwento sa akin ni Leisa na bumili siya ng ube pastillas sa isang alokera. Tinanggihan na lang namin ito (pero parang gusto kong sabihin na allergic ako sa dried mangoes). Nakita ko rin ang iilan sa aking mga blockmates na kakagaling lang ng Beach House. Later on, since nakausap ko yung isa sa YM, nalaman kong napagkamalan pala nilang syota ko si Leisa. Hay Diyos ko! Hanubanaman itech!
Maya-maya, dumating si Tin, na siyang nagtago muna sa likod ng isang puno. Takot kasi siyang madiskubre ng mga aktibistang pagala-gala doon dahil iimbitahin siyang sumama sa SONA panigurado, datapwa't hindi siya pinayagan ng kanyang papa (na, take note, ninong ko na nagtuturo ng Law minsan sa UP). Ayaw niya na lang ata gumawa ng eksena doon. Napag-isipan kong mag-lunch na lang, kasi medyo gutom na rin ako noon. Ang dalawang yun ay typical High School students pa rin, sobrang indecisive (kung sa bagay, indecisive pa rin naman ako ngayon, not to mention passive at submissive). Madaming lugar ang nasabi: Beach House (me: na naman?!), CASAA (me: wag mainit!), UPIS (Leisa: makakapasok ba kami? Tin: Oo no! me: Kung hindi, ganito *labas ng wallet, buklat, pakita ng ID, kunwari kausap si manong guard* "Tang ina tsong hindi mo ba ko kilala?! Peyups to 'tol!"), Vinzons (so-so...), SC (yuck! it's so cheap naman there!), at Chocolate Kiss (sila: wala kaming pera! me: ako meron. sila: talaga?!). And the winner is... CK! Sinabi ko ililibre ko sila. Ok lang sakin kahit mahal; minsan ko lang naman nakikita ang mga yan eh.
Sa may Vinzons, nakakita si Tin ng mga kakilala. Maya't maya may sumisigaw ng pangalan niya at nangangamusta sa kanya. Anuba naman yan! Ako mismong estudyante dito ay iilan lang ang kakilala, samantalang itong hayskul na chikiting pa lamang ay andaming prendly prends, maging kaklase, ka-batch, former varsity o former UPISer man. Mula Vinzons ay nilakad namin ang Chocolate Kiss. Oo, malayo, pero ok lang, trip ko maglakad nun eh. May mga nadaanan kami na kumakanta ng, err, Luha ata yun. Nung una ay matawa-tawa lang kami. Maya-maya...
"Heto akooo... Basang-basa sa ulaaan! Walang masisilungan! Walang malalapitan!"
Take note, si Leisa ay emote na emote pa noon.
Pagkagaling namin ng Chocolate Kiss ay nakita namin ang ate ni Tin, si ate Tan, na siyang third year student ng Film (at candidate for magna pa!). Huwaw... Buong buhay ni Tin ay naka-palibot na nga sa UP. Dati ata sa UP village sila nakatira, lumipat lang sila ilang taon na ang nakalipas. Ang papa niya ay graduate na at ngayo'y nagtuturo ng Law doon, ang kanyang mama ay prof ng Pol Sci na naging estudyante si Loren Legarda at si Jessica Soho (hindi niya ipinagmamayabang ito, pero ako, gusto ko ipagmayabang eh, bakit ba?!), ang dalawang nakatatandang kapatid niya ay dito nag-aaral. Laking kaba niya nga na baka hindi siya pumasa ng UPCAT, pero sa totoo lang, wala akong duda na kakayanin niya yun. Ika nga ng mga pumuri sa friend kong si Mako noong awarding ng Regionals, "Magaling 'tong batang 'to!" (may kalakip na istorya yan, pero sa susunod na lamang) Naglakad kami pabalik ng AS at nagsiuwian na kami...
...at hindi lang yan!
My ustetician friend Jeff borrowed my Make Yourself CD. I told him he HAD to listen to it; no musician's education (he is an aspiring guitarist, like so many others in this world) would be complete without listening to Incubus' sick musical stylings. He was supposed to return it to me yesterday, but he said the SONA caused some insane traffic thus it was impossible for him to leave the house without bumping into some stray activist who managed to get lost on the way to Sandigang Bayan (which, by the by, coincidentally, is just a hop, skip and a jump away from DPS). He added that he would not be able to return it next week either, since his prelims were coming up. Nerd. Oh, did I say that out loud? Ahahaha! Peace.
Anyway, I figured it was time to grab some new music. Now, I was torn here. There were quite a number of CDs that caught my eye when I dropped by the nearby Tower Records along Quezon Avenue. There was "Morning View" (another great Incubus album, though I had heard all the songs before), Slapshock's, err, 2 B Inch or something like that (jologs na kung jologs, gusto ko lang marinig muli yung "Numb"), Yellowcard's "Ocean Avenue" (I really, really like the single, Ocean Avenue), Underworld's 1992-2002 2 CD compilation (all my CDs thus far are of the rock genre; it would have been nice to get some trance in the mix somewhere. Besides, I like Born Slippy), The Punisher OST (for Broken, which I liked way before anyone else did as usual, plus I wanted to check out the other tracks by Seether). I made my choice. When I went to the cashier to pay for the CD of my choice, I flipped my wallet *wide* open, as if to give everyone a good view of my UP ID. What? My ID pwns. My pic does not make me resemble an Ewok in any way, shape or form. Oh wait, I look too much like an Ewok already. Besides, I just got the idea from a friend who says she does the same thing whenever she spots some college students in uniform right behind her (when she commutes that is, like, I dunno, inside a bus or jeep or tricycle or at the MRT's line to buy tickets I guess).
I decided to stick with Yellowcard's Ocean Avenue. A semi-rocker friend of mine recommended that I grab myself a copy, and you know what? I don't regret it a bit. When you get tired of Ocean Avenue (the single), you can listen to stuff like Way Away, Back Home, and my personal favorite, Only One. My only gripe would probably be that the songs all sound the same at times, like you could play them all consecutively and they would just seem like a really long song. Oh well, it's nice anyway, yung Incubus lang kasi saka yung Audioslave may distinct sound ang bawat kanta, pero on its own ok talaga yung Ocean Avenue.
Still, since I dug up the 1000-peso buck from my blue savings wallet, I felt like splurging today. I decided to make another stop at Tower Records before going home (gawd, it's like they know me there already) to grab another CD. I looked around, thinking I would most likely end up buying the Punisher OST, until I spotted it--Dashboard Confessional. Whoa! I just had to grab a copy of that, if only for the fact that the name "Dashboard Confessional" sounds so kewl. Then again, I also like Hands Down anyway. And no, I was not stupid enough to hope that Vindicated would be there somewhere; I'd have to snag me a Spider Man 2 OST for that (but I was half-wishing for it anyway). I haven't had time to get really intimate with DC, but I'm liking it so far...
Tapos na po. Bow.... at hindi lang yan! Hinde hinde, jowk lang, wala na talaga, inaantok na rin ako eh...
completely wrong thought of the day:
Nang kami ay pabalik na ng AS galing Chocolate Kiss...
Leisa: "Ito yung lagoon diba? Dito kami dumaan nina Virna nung Sabado eh..."
Me: "Oo, ito nga yun."
Leisa: "Alam mo ba? Dati may nakita kami naglalampungan dito..."
Me: "Normal lang yun. UP eh. Ako nga mismong sa klase ko sa Philo 11 meron eh."
Leisa: "O? Dun mismo sa klase?"
Tin: "Kami kaya dati, may nakita kaming mama sa sunken, ginagawa niya mag-isa..."
Leisa: "Ha?"
Tin: "Alam mo na, all by himself... Mismong broad daylight pa, asa likod siya ng puno. Natakot nga kami eh, puro babae pa naman kami dun, ang lalake lang dun yung boyfriend nung isa naming kasama..."
Dudes, if you gotta do certain things then the choice is yours to make, but please remember that there really is a time and a place for everything. Yes there is, don't argue. In this case, well, just think about it a bit. Men's bathroom? Yes. The back seat of a bus? It can be done. Behind a tree along the sunken garden in broad daylight? You might wanna re-think your strategy a bit.